Monday, 19 September 2011

Tacloban City, One of Philippines Pride

Official Seal
Isa sa mga pinapangarap ng bawat tao ay ang pagkakataon na makapunta sa iba't-ibang parte ng mundo. Ang masaksihan ang mga pinagmamalaking likas na yaman, produkto at serbisyo ng bawat bansa ay isang di malilimutang karanasan. Bilang isang Pilipino, isang karangalang para sa ating lahat ang mga likas na yaman na taglay ng ating bansa kung saan maraming mga turista at manlalakbay ang nag nanais na dalawin o puntahan ang mga ito. Isa sa mga lugar na maaari nating ipagmalaki ay ang lungsod ng Tacloban na matatagpuan sa probinsya ng Leyte. Ito ang pinaka malaking lungsod sa Pilipinas kung populasyon ang ating pagbabatayan.