![]() |
Official Seal |
Isa sa mga pinapangarap ng bawat tao ay ang pagkakataon na makapunta sa iba't-ibang parte ng mundo. Ang masaksihan ang mga pinagmamalaking likas na yaman, produkto at serbisyo ng bawat bansa ay isang di malilimutang karanasan. Bilang isang Pilipino, isang karangalang para sa ating lahat ang mga likas na yaman na taglay ng ating bansa kung saan maraming mga turista at manlalakbay ang nag nanais na dalawin o puntahan ang mga ito. Isa sa mga lugar na maaari nating ipagmalaki ay ang lungsod ng Tacloban na matatagpuan sa probinsya ng Leyte. Ito ang pinaka malaking lungsod sa Pilipinas kung populasyon ang ating pagbabatayan. Ang nasabing lungsod ay highly urbanized at maraming mga komersyal na negosyo na naririto. Sa rehiyon VIII ang Tacloban ang nagsisilbing sentro ng komersyo, turismo, edukasyon, kultura at ng gobyerno. Maraming mga pinapatayong malls, entertainment centers, fast food shops at marami pang iba. Ang Tacloban City ay mayroon 138 na barangay at bawat isa ay may sarili nitong namumuno at gobyerno.
San Juanico Bridge |
Sto. Nino Shrine and heritage Museum |
Matatagpuan din sa Tacloban ang iba't-ibang mga landmarks na umaakit sa mga turista upang dalawin ang nasabing lugar. Pinaka sikat dito ay ang San Juanico Bridge na nagkokonekta sa isla ng Samar at Leyte. Ito ay may kabuoang haba na 2.16 kilometro at ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Kasama pa sa mga lugar na maaaring puntahan sa Tacloban ay ang Sto. Nino Shrine and heritage Museum, Crucified Christ, Palo Cathedral at marami pang iba. Dahil sa mga historical at mga spritual na landmarks na mga ito, lumalakas ang turismo sa lugar at nagbibigay ng trabaho sa mga nangangailangan nating mga kababayan. Huwag din mag-alala sa tutuluyan kapag nasa Tacloban City dahil may mga murang hotels, condo, at apartment for rent in Tacblocan city ang maaaring upuhan sa maikling panahon. Ang presyo din ng mga paupahang ito ay abot kaya at kayang kaya ng inyong budget. Bilang karagdagan mayroon din mga pista na idinaraos upang igalang at magpasalamat sa mga patron, ito ay ginaganap kada barangay. Kasama sa kultura ng mga taga-Tacloban, ang maglaan ng panahon at pagdiriwang para sa mga sinasamba nilang patron. Ang pagtungo sa Tacloban City ay maaari sa tatlong paraan, una ay panghimpapawid - mayroon 4 na biyahe and Cebu Pacific mula Maynila patungo ng Cebu. Ang ikalawa ay sa karagatan, mayroong biyahe ang mga barko mula Maynila 3 beses sa isang linggo. Mga 37 oras ang magiging biyahe mo sa paraang ito. Ang huli ay sa pamamagitan ng mga saksakyang panlupa. Maraming mga pampublikong bus ang bumabiyahe mula Maynila patungong Tacloban, mga 24 hours naman ang itatagal ng biyahe mo sa ganitong paraan. Ano pa man ang piliin mo sa tatlo ay siguradong makakarating ka sa Tacloban City.
Kung ikaw naman ay isang estudyante: elementary, high school o kolehiyo pa man, marami ka ring mapagpipiliang mga paaralan sa Tacloban City, mapa pampubliko o pribadong paaralan pa yan. Maging ang serbisyong pangkalusugan ay mamangha ka sapakat mayroon silang pitong ospital na handang maglinkod sa mga nangangailangan. Sadya nga talagang maraming maipagmamalaki ang bansang Pilipinas. Naway pangalagaan natin ang mga ito upang maabutan pa ng mga susunod na henerasyon at maipakita sa mudo kung gaano kayaman ang Pilipinas sa natural na mga tanawin, sa kultura, sa produkto at syempre kung gaano kainit ang pagtanggap natin sa mga turista na nagnanais masaksikan ang mga pinagmamalaki natin na mga yaman na ito.
No comments:
Post a Comment